Dahil sa ibang kultura ang ginagalawan ko (more or less :P), nakikita ko ang pagkakapareho at pati na rin ang pagkakaiba ng iba’t ibang lahi ng mga taong nakakasalamuha ko. Karamihan nakakatuwa at nakakatawa; may mga pagkakataong nakakapagod, at paminsan-minsan nakakainis.
Ang pagkakakilala ng marami (isama niyo na rin ako) ay yung mga lahing nakakatrabaho ko araw-araw ay masisipag, galante, masinop, madetalye at magagalang. At totoo naman yon. Karamihan sa kanila ay ganon. Mas lalo na ang mga katrabaho ko dito. Minsan akala ko umuuwi sila ng alas
Kanina, may tumawag na taga Manila Shimbun. Nagtatanong siya tungkol sa isang proyektong inaayos namin. Ang tanong niya ay ano-ano daw ang mga pangalan ng mga kalahi niyang kasama sa exhibit, at medyo inis pa niyang sinabi na Ingles daw kasi ang pagkasulat ng mga pangalan ng mga kalahi niya dun sa imbitasyon niya. Nung nakausap ko siya, rinig ko yung inis niya na hindi niya masulat ng maayos ang kanyang artikulo dahil hindi naka-kanji ang mga pangalan.
Naintindihan ko naman siya. Nag-offer ako na i-scan ang mga pangalan ng mga artists na kanji at i-email ko sa kanya. Pwede rin naman i-fax ko. Simple di ba?
Pero hindi. Pinilit niyang simple lang ang request niya at hindi ko daw maintindihan yung gusto niya. Ang gusto niyang makausap ay yung kalahi niyang staff dahil simple lang yung gusto niyang itanong. Yung mga pangalan in kanji. E di ba mas klaro kung nakita niya at hindi yung sa telepono lang? Ilipat ko siya sa language specialist namin, alam ba non yung project? Alam ba nun yung mga pangalan kung hindi nila nakita yung original document?
Kaloka. Ang kulit. So pinasa ko sa boss ko. Actually sa assistant ng boss ko. Gambalain ba para sa simpleng bagay? Pero, hindi pa rin sapat na marunong magsalita ng kanyang salita yung kumakausap sa kanya. Bakit hindi na lang niya sabihin na gusto niyang maki-chika lang. Aba’y kung kanji lang ang pinuputok ng butsi niya, e di ifa-fax na, now na. Fax him.
Ang ending, binagsakan niya ng telepono ang assistant ng boss ko. Magalang ba yon?
Sanay ako sa media at hindi naman bago sa akin na pagiging demanding nila. Pero minsan dapat niya ding isipin na ang mga tao dito ay hindi niya tauhan. Mas lalo na ako. Ewan ko kung ano ang dynamics nila sa mga kalahi niya.
Kakaiba talaga.
No comments:
Post a Comment